top of page

1 babae at 1 lalaki na pintor, arestado sa buy-bust operation ng PDEA BARMM sa PC Hill, Cotabato City

  • Teddy Borja
  • Apr 4
  • 1 min read

iMINDSPH


Kalaboso ang 26-anyos na si alyas “Jhanine” at ang 25-anyos na pintor na si alyas “Jude” ala 7:00 ng gabi, araw ng Huwebes, April 3 sa PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City.



Inaresto ang dalawa sa buy-bust operation ng PDEA kasama ang

Barangay Anti-Drug Abuse Council.



Nasasam at narekober ng otoridad ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng dried marijuana leaves na tumitimbang ng mahigit kumulang 12 gramo at nagkakahalaga ng 35,440 pesos.


Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, drug paraphernalia, identification card, cellphone at mga financial documents.


Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page