1 indibidwal, arestado sa Maimbung, Sulu dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban
- Teddy Borja
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ngayon ang isang indibidwal na residente ng Talipao, Sulu matapos hulihin ng otoridad dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban.
Ayon sa PNP PRO BAR-
Pinara ang suspek dahil sa kahina-hinalang kilos nito habang sakay ng motorsiklo. Nang isagawa ang routine inspection, naispatan ang handle ng baril na nakasukbit sa bewang nito.
Nang beripikahin, bigo ang suspek na makapag presenta ng legal na mga dokumento dahilan para ito ay arestuhin.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Caliber .45 Armscor pistol, magazine assembly para sa Cal. .45; pitong live rounds ng Cal. .45 ammunition; at motorsiklo.
Ang pag aresto sa suspek ay isinagawa ng mga elemento ng PNP at AFP.
Nasa kustodiya na ng Maimbung Municipal Police Station ang suspek para sa dagdag na imbestigasyon at proper legal action.
Comentários