1 kilo ng suspected shabu na may street level price na 6.8 million pesos ang nasamsam ng PDEA BARMM sa buy-bust operation sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Aug 12
- 2 min read
iMINDSPH

Isang kilo ng suspected shabu na may street level price na 6.8 million pesos ang nakumpiska ng PDEA BARMM sa ikinasang buy-bust operation kung saan dalawang lalaki ang arestado sa operasyon
Isinagawa ang operasyon, araw ng Lunes, August 11 sa Barangay Making ng bayan.
Kinilala ang mga inaresto bilang si alyas “Kintang”, 27 anyos, may asawa, magsasaka mula Talitay, Maguindanao del Sur, at si alyas “Alinor”, may asawa, residente ng Kabacan, North Cotabato.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawampung (20) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone, isang dilaw na eco bag, isang license holder, isang Suzuki Rider motorcycle, isang brown bag, isang itim na bag, at ilang mga identification card.
Kapwa sila kakasuhan ng paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at naaresto na may kaukulang parusang life imprisonment.
Pinangunahan ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office ang operasyon, sa tulong ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, Regional Special Enforcement Team, PNP Maritime Group, Parang Municipal Police Station, RIU 5th MDM/RIU 15, 32nd Marine Company – MBLT-2, Technical Support Company RMFB 14-A, at Regional Drug Enforcement Unit – PRO BAR.
Ayon kay PDEA BARMM Director Gil Cesario Castro, patunay ang tagumpay ng operasyon sa kahalagahan ng epektibong intelligence sharing, inter-agency cooperation, at dedikasyon ng lahat ng kalahok na yunit sa walang humpay na laban kontra ilegal na droga.
Samantala, iginiit ni Mayor Ibay ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na kooperasyon sa pagitan ng LGU at mga tagapagpatupad ng batas, at tiniyak ang buong suporta sa mga anti-drug operations sa Parang at sa buong Bangsamoro region.
Ayon sa PDEA, ang operasyon ay tugon sa panawagan ng LGU-Parang para sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, at nagpapakita ng determinasyon ng lahat ng katuwang na ahensya na protektahan ang komunidad at buwagin ang mga sindikatong sangkot sa kalakalan ng droga.



Comments