top of page

1 patay, 1 arestado matapos mauwi sa madugong engkwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ang awtoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Aug 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

PHOTO:Radyoman Ebs Abang


Isa patay, isa arestado, matapos mauwi sa madugong engkwento ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest ng awtoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Buto”.


Isinilbi ang warrant of arrest alas 10:30 kagabi sa Sitio Siawan, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Ang suspek ay kabilang sa Top 1 most wanted, municipal level.


Naaresto naman sa operasyon ang isang alyas “Dave”, na kabilang sa top 4 Most Wanted ng Maguindanao del Norte.


Ayon sa ulat, isinilbi ang warrant of arrest sa kasong Murder ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat Police, Special Action Force, Provincial Intelligence Unit, 1st PMFC, 2nd MP, at 1404th RMFB 14A, alinsunod sa utos ng RTC Branch 27, Cotabato City.


Ayon sa pulisya, una umanong nagpaputok si Buto laban sa mga awtoridad kaya napilitan umanong gumanti ng putok ang tropa.


Isinugod pa umano ito sa Cotabato Regional and Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.


Samantala, nakatakas ang iba pang suspek na kinilala sa alyas na “Bots”, “Fai”, “Mus” at alyas “Pepe”.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page