1 patay on the spot habang 1 pa ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at payong-payong sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa paunang impormasyon mula sa MDRRMO Datu Odin Sinsuat, nagbanggaan ang isang motorsiklo at isang payong-payong, na agad ikinasawi ng isang rider.
Isa pang biktima ang nagtamo ng sugat at mabilis na isinugod ng MDRRMO team sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng kinakailangang paggamot.
Muling nanawagan ang MDRRMO sa mga motorista na mag-ingat sa kalsada upang maiwasan ang ganitong aksidente.



Comments