top of page

₱10,000 Ramadhan bonus kada taon, ipinapanukala ng ilang mambabatas na gawing permanenteng bahagi ng polisiya ng BARMM government

  • Diane Hora
  • Nov 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal nang inihain sa BTA Parliament ang Ramadhan Bonus Act of 2025, na layong magbigay sa bawat qualified employee ng hindi bababa sa ₱10,000 bonus taun-taon.


Batay sa Parliament Bill No. 390, ire-release ang bonus tuwing sasapit ang buwan ng Ramadhan at gagawing permanenteng polisiya ito ng BARMM government.


Ayon sa explanatory note, tatlong taon na itong ipinatutupad sa rehiyon bilang dagdag na suporta para sa mga empleyado tuwing banal na buwan ng pag-aayuno.


Sakop ng proposed bill ang lahat ng officials at employees ng ministries, offices, at agencies ng Bangsamoro government, kabilang ang mga nasa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) arrangements.


Hindi naman sakop ang mga empleyado na lumiban nang walang official leave at mga ineligible categories tulad ng consultants, apprentices, at student laborers.


Nakasaad din sa panukala na ang pondo para sa bonus ay manggagaling sa General Appropriations Act ng Bangsamoro Government.


Inatasan naman ang Ministry of Finance, Budget, and Management na bumuo ng implementing rules and regulations upang matiyak ang maayos at tamang pagrelease ng bonus.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page