top of page

10 barangay mula sa 132 entries sa Galing Pook Awards ang pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; iba pang LGU, hinimok ng Pangulo na tularan at i-angat sa pambansang antas ang mga modelo

  • Diane Hora
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kabilang din sa Galing Pook awardees ngayong araw ang pagpapasigla sa Macabalo River sa Legazpi, BUSkwela ng Cagayan de Oro, Street Camps ng Blue Ridge, at solar-powered community ng General Malvar sa Santiago City.


Kinilala rin ng Pangulo ang urban gardens at palit-bote-para-sa-tinapay project ng Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City; clearance-with-a-checklist program na dinisenyo para itaas ang community participation ng Barangay Naggasican, Santiago City; community justice garden ng Barangay Pantal, Dagupan City; sign language training ng Barangay Tagas, Tabaco City; Dungog Kariton project na tumutulong sa conflict resolution ng Barangay Poblacion, South Cotabato; at ang rehabilitation ng Tripa de Gallina ng Barangay San Isidro, Makati City.


Bawat awardee ay tumanggap ng Galing Pook Marker at PhP300,000 cash mula sa Department of Interior and Local Government–Local Government Academy o DILG-LGA.


Hinimok din ng Pangulo ang mga LGU at lingkod-bayan na tularan at iangat sa pambansang antas ang mga matagumpay na modelong ito na nagpapakita ng mahusay at tapat na pamamahala.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page