10 bata sa South Upi, MDS, na-rescue ng MOLE sa ilalim ng Bangsamoro Child Labor Sagip Program
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na pagpapaigting ng Ministry of Labor and Employment ng kampanya laban sa child labor sa Bangsamoro sa pamamagitan ng Bangsamoro Child Labor Sagip Program, matagumpay na nailigtas ng Bureau of Employment Promotion and Welfare, ang sampung mga bata na umanoy biktima ng child labor sa South Upi, Maguindanao del Sur, noong November 18.
Kabilang sa mga nailigtas ang mga bata na nalagay sa mapanganib na trabaho, diskriminasyon, exploitation, at child trafficking.
Ayon sa MOLE, lahat sila ay pawang under 18 years old.
Samantala, isinagawa rin ng BEPW ang formal payout ng tulong pinansyal at educational assistance para sa mga na-identify na child laborers mula sa Barangay Romongaob at Kuya.
Ang mga benepisyaryo, na karamihan ay nagtrabaho sa sektor ng agrikultura upang makatulong sa kanilang pamilya, ay natukoy sa tulong ng NGO na AsiaDHRRA at ng implementing partner nitong Community Organizers Multiversity.
Binigyang-diin ni BEPW Director Sara Jane Sinsuat na ang pangunahing layunin ng programa ay pinahahalagahan ang edukasyon at tamang paggamit ng tulong pinansyal upang mas maging epektibo ang benepisyo nito sa pangmatagalang panahon.
Tumanggap ng tig-₱15,000 livelihood assistance at isang backpack na puno ng school supplies ang mga benepisyaryo.
Ang programang ito ay bahagi ng mandato ng MOLE na magsagawa ng Child Labor Awareness Campaigns at maalis ang problema sa child labor sa rehiyon.



Comments