10 menor de edad sa Poblacion 9, Cotabato City, na diumano’y biktima ng child labor, nasagip ng MOLE BARMM
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nasagip ng MOLE BARMM ang sampung mga menor de edad sa Poblacion 9, Cotabato City na diumano’y biktima at nakaranas ng child labor, hazardous work, exploitation, o iba pang mapanganib na kondisyon sa pagtatrabaho.
Ang pagkakasagip ng mga ito ay sa pamamagitan ng Bangsamoro Child Labor Sagip Program, tulong ng International Labour Organization, at ng Cotabato City Social Welfare Office gamit ang Child Labor Monitoring System.
Sa ilalim nito, nabigyan ng tulong ang sampung menor de edad na nagtatrabahong scavengers at garbage collectors sa isang dumpsite.
Bawat bata ay nakatanggap ng ₱15,000 livelihood assistance at educational package o school supplies.
Patuloy naman ang kampanya ng MOLE laban sa child labor sa rehiyon.



Comments