top of page

10 million pesos na pondo, handog ng AMBaG sa Lamitan District Hospital

  • Diane Hora
  • Aug 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mula nang maging katuwang ng AMBaG Program-


umabot na sa 7,575 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng natulungan ng Lamitan District Hospital.


Ayon sa Ayudang Medikal Alay sa Bangsamoro, patunay ito ng patuloy na pag-abot sa mga nangangailangan ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal. Sa tulong ng pondong ito, mas mapapalakas pa ang kapasidad ng ospital sa pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Lamitan City at karatig lugar.


Ang pondo ay personal na tinanggap ni Jackie Lou Eisma-Castillo, ang Chief of Hospital ng Lamitan District Hospital, bilang suporta sa pagpapatuloy at pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan para sa mga pasyente.


Sa pamumuno ni Chief Minister Abdulraof Macacua, patuloy na pinalalawak ng AMBaG ang abot ng serbisyong medikal upang maramdaman ang Kalinga at Serbisyo ng pamahalaan sa bawat pamilyang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page