iMINDSPH

Matagumpay na nagtapos noong Marso 17, 2025 ang 100 iskolar ng Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET o BSPTVET TTPB 2024 sa Diamond Function Hall, Brgy. Amito, Tuca, Marawi City.

Ang mga nagsipagtapos ay mula sa iba't ibang programa ng Technical-Vocational Education and Training (TVET), kabilang ang:
✅ Carpentry NC II
✅ Carpentry NC III
✅ Agricultural Crops Production NC II
✅ Electrical Installation and Maintenance NC II

Nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat ang mga iskolar sa oportunidad na makapag-aral nang libre at matuto ng mahahalagang kasanayan na magagamit sa kanilang hinaharap.
Patuloy ang pagsisikap ng TESD sa ilalim ng MBHTE na tiyaking walang Bangsamoro learner ang mapag-iiwanan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Comments