iMINDSPH

Apat 'loose firearms' ang kusang isinuko ng mga residente sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur nitong Marso 19, 2025.
Ayon kay 6th Infantry (RedSkin) Battalion Commander, Lt. Col. Al Victor Burkley, ang pagsuko ng mga ito ay resulta ng mas pinaigting na kampanya laban sa loose firearms sa pamamagitan ng Small Arms and Light Weapons Management Program.
Ang mga isinukong armas ay kinabibilangan ng isang M79 40MM grenade launcher, dalawang US Cal. 30 M1 Garand rifles, at isang Mortar 60MM.
Agad itong itinurn-over ni Lt. Col. Burkley kay Brigadier General Edgar Catu, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, sa ginanap na Municipal Peace and Order Council Meeting.
Ang hand-over ceremony ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang COMELEC, AFP, PNP, BFP, MILG, MSWDO, DepEd, RHU, MMO, at Council of Elders ng Datu Salibo.
Samantala, binigyang-diin ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force-Central, ang kahalagahan ng boluntaryong pagsuko ng mga loose firearms.
Patuloy ang panawagan ni Maj. Gen. Gumiran sa publiko na makiisa sa programa ng gobyerno upang tuluyang matuldukan na ang mga iligal na armas sa rehiyon at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Mindanao.
Comments