top of page

376 islamic teachers sa Lanao del Sur, SGA at Maguindanao del Norte, tinanggap na ang kanilang stipend mula sa MOLE

iMINDSPH


Patuloy ang pagrelease ng MOLE ng stipend sa mga islamic teachers sa ilalim ng Bangsamoro Internship Development Program o BIDP.



Ang ikalawang batch ng mga asaatidh ay may kabuuang bilang na 376. Ito ay mula sa Lanao del Sur, SGA at Maguindanao del Norte na affiliated sa Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.



Tinanggap ng mga islamic teachers ang kanilang stipend para sa buwan ng Pebrero at Marso na nagkakahalaga ng P5,544.00 kada buwan.



Kinikilala ni MOLE Minister Muslimin Sema ang serbisyo ng mga ulama at Islamic educators sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Nagpapasalamat naman ang mga ito sa natanggap na stipend mula sa ministry.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page