iMINDSPH

Ipinasa ng City Accountant sa City Auditor’s Office ang trial balance, financial statements, at supporting schedules ng General Fund para sa December 2024, alinsunod sa COA Circular No. 2001-005, bilang bahagi ng transparency sa pananalapi ng lungsod.

Isa ito sa mga tinalakay sa linggohan sesyon ng Cotabato City Council araw ng Miyerkules.

Pinag usapan din ang hindi pagdalo ni Cotabato City Police Director Jibin Bongcayao sa sesyon kung saan isang liham ang ipinaabot nito dahil sa isang courtesy meeting kasama ang International Committee of the Red Cross.

Iimbitahang muli ng konseho si City Police Director Bongcayao sa susunod na session bilang resource person patungkol pa rin sa isyu ng seguridad sa lungsod.

Hinimay din ang pagsusumite ng Assessment Report mula sa City Assessor kung saan Ipinasa ng City Assessor sa SP ang Assessment Report para sa February 2025 upang masiguro ang updated na records ng ari-arian para sa kaukulang aksyon.

Pinag-usapan din ang MILG-BARMM Correspondence sa End-Term Assembly ng PCL at Ipinasa ng Acting City Director ng MILG-BARMM ang Memorandum tungkol sa End-Term Assembly ng Philippine Councilors League (PCL) para sa Visayas at Mindanao, na gaganapin sa June 2-4, 2025, sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Bukod pa ito sa proposed resolution para kay Lt. Col. Lester Mark Baky upang pahalagahan at pasalamatan ang opisyal sa kanyang dedikasyon at liderato bilang Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team-5 sa Cotabato City.

Nagsilbi siya sa loob ng isang taon at walong buwan upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa Cotabato City.
Comments