top of page

K9 handler, arestado sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Midsayap, Cotabato

iMINDSPH



Tiklo ang 29-anyos na si alyas “DJ”, isang K9 handler matapos ang ikinasang buy-bust operation alas 4:00 ngh apon, araw ng Miyerkules, March 19 sa Purok 5, Barangay Anonang, Midsayap, Cotabato.



Nakuha ng otoridad sa operasyon ang kabuuang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard value na Php 2,500.


Dati nang inaresto si alyas “DJ” taong 2019 dahil rin sa iligal na droga, pinalaya ito taong 2020 at kasalukuyang nasa ilalim ng probation period.


Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.


Ang operasyon ay ikinasa ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA Cotabato Provincial Office, Philippine National Police PNP Regional Intelligence Division, Cotabato Police Provincial Office, at Midsayap Municipal Police Station.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page