₱108,800 halaga ng suspected shabu, nakumpiska; suspect na 29 anyos, arestado sa Isulan, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Dec 5
- 1 min read
iMINDSPH

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang isang drug suspect at nakumpiska ang tinatayang ₱108,800 halaga ng suspected shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Kalawag 1, Isulan, noong umaga ng December 3, 2025.
Pinangunahan ng Isulan Municipal Police Station at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 12.
Nahuli ang suspek na kinilala sa alyas na “Jay,” 29 anyos, single, residente ng Kalawag 1, Isulan.
Nakuha sa posesyon nito ang labing-apat (14) na medium-sized heat-sealed sachet ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, at iba pang drug paraphernalia.
Arestado at dinala agad ang suspek kasama ang lahat ng nakumpiskang kagamitan sa Isulan MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon kay PBGen Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, pinatunayan umano ng operasyon na ito ang kanilang determinasyon na sugpuin ang ilegal na droga sa SOCCSKSARGEN.



Comments