₱10M na pondo mula sa AMBaG, ibinigay sa Datu Blah T. Sinsuat District Hospital
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ni Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan, pormal na ipinagkaloob ang ₱10,000,000.00 na pondo sa Datu Blah T. Sinsuat District Hospital.
Masaya itong tinanggap ni Medical Center Chief Dr. Edwin John Limjuco, bilang karagdagang tulong upang tugunan ang patuloy na pagdami ng pasyenteng humihingi ng medikal na atensyon.
Ang pondo ay direktang nakalaan para sa mga pasyenteng nangangailangan, partikular ang mga walang sapat na kakayahang pinansyal.
Simula nang maging partner hospital ang DBSDH noong 2019, umabot na sa 5,074 kababaihan, 2,533 kalalakihan at 3,777 batang edad 15 pababa, ang nakinabang sa tulong ng AMBaG.
Tinatayang nasa 10,997 pasyente na ang naka-uwi na zero balance bill o walang binayaran sa ospital.
Sa tuluy-tuloy na pagtutulungan ng AMBaG Program at mga partner hospital, mas napapalawak ang mga serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.
Ang AMBaG ay isa sa mga flagship program ng Office of the Chief Minister.



Comments