11 armas na isinuko sa 103rd Brigade ng Philippine Army sa ilalim ng E-CLIP, pormal na itinurn-over sa Provincial Police Office ng Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Itinurn-over ng militar sa PNP Provincial Police Office ng Lanao de Sur ang labing isang mga armas na isinuko sa kanilang hanay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Pinangunahan ito ni MILG Provincial Director, Cader Indar Jr., araw ng Biyernes, August 15, 2025 sa Camp Bagong Amai Pakpak, Marawi City.
Ang turnover ay pagbibigay diin sa mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng AFP, PNP at MILG sa pagsusulong ng reintegration ng former combatants at pagtataguyod ng peace and order sa probisya sa ilalim ng E-CLIP program.



Comments