top of page

11 bata, nailigtas ng PNP PRO 11 sa operasyon laban sa online child exploitation sa Davao Oriental kung saan 3 suspek ang arestado

  • Teddy Borja
  • Dec 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nailigtas ng PNP PRO 11 ang labing-isang bata at tatlong suspek ang naaresto sa isinagawang operasyon laban sa online child exploitation sa Davao Oriental. Ikinasa ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center o PNP-WCPC, sa pamamagitan ng Mindanao Field Unit (MFU), ang tatlong sabay-sabay na high-impact operations sa Lungsod ng Mati, Davao Oriental, laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children o OSAEC at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials o CSAEM.


Pinagsama sa mga operasyon ang entrapment at rescue missions at ang pagpapatupad ng Warrants to Search, Seize, and Examine Computer Data o WSSECD.


Nailigtas ng awtoridad sa operasyon ang labing-isang biktima, kabilang ang walong babae — pitong menor de edad at isa na nasa wastong gulang.


Tatlong suspek ang naaresto, kabilang ang isang 17-anyos na babaeng menor de edad.


Nakapagtala rin ang awtoridad ng digital at non-digital na ebidensya na nag-uugnay sa mga suspek sa OSAEC at CSAEM.


Agad dinala sa himpilan ng pulisya ang mga arestado para sa dokumentasyon at legal na proseso.


Ang CICL at mga nailigtas na bata ay agad na ipinasa sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa assessment, psychosocial support, at proteksyon, upang matiyak ang kanilang kaligtasan at pangmatagalang kapakanan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page