top of page

11 million pesos, kaloob ng BARMM Government sa 4 ospital sa Sulu sa ilalim ng AMBaG program

  • Diane Hora
  • Aug 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang Kalinga at Serbisyo sa pagbibigay ng ayudang medikal sa mga partner hospitals ng BARMM Government sa ilalim ng AMBaG program.


Sa Sulu Province, muling naipaabot ng Bangsamoro Government ang pondo sa apat na pangunahing ospital sa Sulu Province bilang patuloy na pagsuporta ng AMBaG Program sa pagpapalakas ng serbisyong medikal para sa mga Bangsamoro.


Tinanggap ng Pangutaran District Hospital ang 2 million pesos medical assistance mula sa AMBaG.


Parehong halaga rin ang tinanggap ng Sulu Sanitarium and General Hospital, habang limang milyong pisong pondo naman ang tinanggap ng Maimbung District Hospital at 2 million pesos sa Luuk District Hospital.


Mula nang maging katuwang ng AMBaG Program, umabot na sa 59,178 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng natulungan sa Sulu, patunay ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga Bangsamoro.


Kasabay ng turnover, nagsagawa rin ng consultative meeting na pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan.


Dumalo sa meeting ang mga opisyal ng ospital kabilang sina Abdul-azim Hajiron, MD, Chief of Hospital ng Luuk District Hospital, Mary Catherine Lee, kinatawan ng Sulu Sanitarium and General Hospital, at Hja. Julie-Ann Bashra Aspi, kinatawan ng Maimbung District Hospital.


Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng ospital na magtanong upang maliwanagan sa kanilang mga katanungan, lalo na sa mga proseso at layunin ng AMBaG Program.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page