top of page

110 anak ng Mujahideen, nagtapos sa Comprehensive Youth Transformation Program o CYTP

  • Diane Hora
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matagumpay na nagtapos sa Comprehensive Youth Transformation Program o CYTP ang isang daan at sampung anak ng mga Mujahideen.


Ang pagtatapos ay isinabay sa pagdiriwang ng International Youth Day.


Ayon kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, isang makabuluhang patunay ito ng patuloy na paglalakbay ng Bangsamoro mula sa sigalot tungo sa kapayapaan, at mula sa kawalan ng katiyakan tungo sa mga bagong oportunidad.


Isinagawa ang seremonya ng pagtatapos bilang pagkilala sa mga kabataang galing sa mga kampo ng MILF at MNLF na ngayon ay bihasa na sa mga kasanayan sa agrikultura, konstruksyon, at teknolohiya.


Ang CYTP ay pinondohan sa pamamagitan ng Special Development Fund (SDF) at ipinatupad katuwang ang MBHTE–TESD, Bangsamoro Youth Commission (BYC), at iba pang partners sa pag-unlad ng kabataan sa rehiyon.


Ayon sa mga opisyal, ang CYTP ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng moral governance at inclusive peace process, na layuning gawing mas produktibo, matatag, at tagapagtanggol ng kapayapaan ang susunod na henerasyon ng Bangsamoro.


Dagdag ni Macacua, ang pagtatapos ng mga batang ito ay hindi lamang aniya tagumpay ng programa, kundi tagumpay ng buong rehiyon sa pagsusulong ng kapayapaan, kabataan, at kinabukasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page