top of page

12 BAYAN SA COTABATO PROVINCE, NAGSUSPENDI NG PASOK SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN DAHIL SA BAHA DULOT NG MALAKAS NA BUHOS NG ULAN

iMINDSPH



Suspendido ang pasok ng maraming paaralan sa Cotabato Province ngayon araw. Nagsuspendi rin ng pasok ang lokal na pamahalaan ng Cotabato City, Datu Odin Sinsuat at ilan pang kalapit bayan dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.



Walang pasok ang lahat ng paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Pigcawayan, Libungan, Antipas, Midsayap, Kidapawan, Kabacan, Matalam, Magpet, Aleosan, Carmen, Mlang, at Makilala-



Dulot ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang nabanggit na bayan.



Wala ring pasok simula pa kahapon ang lahat ng paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Cotabato dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.



Nagsuspendi rin ng pasok sa lahat ng antas ang LGU Datu Odin Sinsuat at ilang pang kalapit bayan sa Maguindanao del Norte.


Ang matinding pag ulan ay bunsod ng makapal na kaulapan dala ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Komentáře

Hodnoceno 0 z 5 hvězdiček.
Zatím žádné hodnocení

Přidejte hodnocení

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page