12 patay, 13 sugatan matapos mahulog sa bangin ang dump truck sa Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Aug 7
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang kuhang larawan mula sa kalunos-lunos na sinapit ng dalawampu’t limang sakay ng dump truck na nahulog sa bangin sa Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat, ala 5:20 ng hapon, araw ng Miyerkules, August 6.
Labin dalawa ang patay at labintatlo ang sugatan sa malagim na insidente.
Ang dump truck ay minamaneho ng isang 38 anyos na residente ng Parang, Maguindanao del Norte.
Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Senditan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kagagaling lamang umano ng pamanhikan ang mga biktima at pauwi na sa Sultan Kudarat nang mangyari ang insidente.
Personal na tinungo ni Governor Datu Tucao Mastura ang pamilya ng mga biktima sa Barangay Senditan.
Agad itong nagpaabot ng tulong.

Inilibing na rin ng kanilang mga kaanak ang mga nasawi sa trahedya kung saan sumama rin sa paglibing ang gobernador.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, paunang tulong pa lamang ito bukod pa sa LGU ng Sultan Kudarat.



Comments