top of page

12 resolusyon, pinagtibay ng Committee ng Transportation and Communications para palakasin ang inter-island connectivity at digital infrastructure

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matagumpay na nagtapos ang dalawang araw na pagpupulong ng Committee on Transportation and Communications ng Bangsamoro Parliament, kung saan 12 resolusyon ang inaprubahan upang palakasin ang inter-island connectivity at digital infrastructure sa rehiyon.


Kabilang sa mga panukalang resolusyon ang panawagan sa Ministry of Transportation and Communications (MOTC), Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT), at Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) na magsagawa ng feasibility studies para sa pagpapalawak ng mga rutang pangkomersiyo sa dagat at himpapawid sa pagitan ng Sulu at Zamboanga City.


Hinimok din ng komite ang mga ahensya na tugunan ang kakulangan sa mga barko at magbukas ng bagong Zamboanga–Luuk sea route upang mapagaan ang biyahe sa dagat.


Iminungkahi naman ni Deputy Speaker Don Mustapha Loong ang paggamit ng online ticketing system para sa mga pasaherong bangka sa rutang Zamboanga–Jolo upang masugpo ang katiwalian at itaguyod ang mabuting pamamahala.


Bilang bahagi ng pagpapalakas sa serbisyong digital, sinuportahan ng komite ang pagkuha ng Starlink internet para sa mga malalayong opisina, buong implementasyon ng libreng public Wi-Fi alinsunod sa RA 10929, at ang pagbuo ng cybersecurity protocols para sa mga digital platform ng BARMM.


Ayon kay Committee Chairperson Zulfikar-Ali Bayam, makikipag-ugnayan ang kanilang komite sa mga kaugnay na ahensya upang higit pang pagyamanin ang mga panukalang pinagsama-sama, at ihahain ang kanilang committee report sa plenaryo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page