top of page

₱13.26 million na halaga ng shabu, nasamsam ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa Misamis Oriental, Bataan, Zamboanga City, at Cebu; 5 HVI, arestado

  • Teddy Borja
  • Nov 19
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng PNP ang ₱13.26 million na halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa loob ng dalawang araw sa iba’t ibang panig ng bansa. Limang High Value Individuals din ang arestado sa operasyon.


Sa Misamis Oriental, araw ng Linggo, Nobyembre 16, nagsagawa ang pulis ng search warrant sa isang residential area sa Tagoloan. Naaresto ang isang lalaki at nakumpiska ang humigit-kumulang 450 gramo na may tinatayang standard drug price (SDP) na ₱3,060,000.00.


Sa parehong araw, isang buy-bust operation ang ikinasa sa Bataan na nagresulta sa pag-aresto ng dalawang suspek at pagkakumpiska ng humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, mga mobile phone, at iba pang ebidensya na nagkakahalaga ng ₱3,400,000.00.


Araw ng Lunes naman, November 17, nang magsagawa ang PNP ng matagumpay na anti-drug operations sa Zamboanga City at Cebu City, na nagresulta sa pag-aresto ng dalawang high-value individuals.


Sa Zamboanga City, nakumpiska ang humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang halaga na ₱3,400,000.00, mula sa isang lalaking suspek na kilala bilang “Choy.”


Sa Cebu City naman, nakumpiska ang humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang halaga na ₱3,400,000.00, mula sa isang lalaking suspek na kilala bilang “Epot.”


Ang parehong suspek ay nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page