15 paaralan, nagtagisan ng galing sa 2nd Kandindang sa Lalan o Street Dance competition bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-78th Founding Anniversary ng Parang, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- 5 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtagisan ng galing sa 2nd Kandindang sa Lalan o Street Dance competition ang labinlimang paaralan na bahagi ng selebrasyon ng ika-78th Founding Anniversary ng bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.
Mapapa indak ka talaga sa tugtog at mapapamangha ka sa kulay ng iba’t ibang kasuotan ng mga mag-aaral na kalahok sa Kandindang sa Lalan o Street Dance competition sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.
Ito ang 2nd Kandindang sa Lalan o Street Dance competition.
Pambungad ng kompetisyon ang parada ng labin limang kalahok na paaralan na sinundan ng pagtagisan ng galing.
Nanguna sa pagsaksi sa angking galing at talento ng mga mag-aaral na kalahok sina
Mayor Cahar Ibay, Vice Mayor Abdul Aziz Ramalan Ali, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, mga guro, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ginanap ang kompetisyon sa Notre Dame of Parang, Inc. Senior High School.
コメント