iMINDSPH
Ikinasa ng isang daan at limampung guro ang prayer rally sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte matapos padalhan ng subpoena ng COMELEC kaugnay sa usapin ng election offenses noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa bayan.
Sila ang mga nagsilbing electoral board sa halalan sa bayan.
Giit ng mga guro, hindi sila sangkot sa iregularidad.
Nagsagawa ng prayer rally ang isang daan at limampung guro na nagsilbing electoral board sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong BSKE 2023.
Isinagawa ito araw ng Sabado sa covered court ng Barangay Semba.
Nananawagan ang mga guro ng tulong sa MBHTE at sa mga kinauukulan na sana matulungan sila dahil naapektuhan na anila ang kanilang pamumuhay at pagtuturo.
Ang mga guro ay mula sa division ng Maguindanao Del Norte na nagtuturo sa ibat-ibang paaralan sa Datu Odin Sinsuat.
Giit ng mga guro, hindi totoo ang bintang sa kanila hinggil sa pagkakasangkot sa iregularidad.
Natatakot na rin umano silang magsilbi sa susunod na halalan kasunod ng hamon na kanilang kinakaharap ngayon bukod pa sa pangamba sa kanilang kaligtasan
Binigyan lamang ng 10 araw ng COMELEC ang mga guro upang sagutin ang reklamo laban sa kanila kaugnay sa Election Offenses.
Comments