16 anti-personnel mines, narekober ng militar sa T’boli, South Cotabato; Pampasabog, narekober din ng militar sa isang abandonadong daan patungong Lake Maughan
- Teddy Borja
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Napigilan ang planong karahasan ng mga teroristang komunista sa South Cotabato, ayon sa 6th Infantry Division, matapos marekober ng militar ang labing anim na anti-personnel mines sa Sitio Bagong Silang, Barangay Maan, Tboli, South Cotabato, hapon nitong Agosto 20, 2025.
Ito’y matapos isumbong ng mga residente at CAFGU Active Auxillary sa lugar ang pagkakatagpo ng mga pampapasabog kabilang na ang natagpuan sa isang abandonadong daan patungong Lake Maughan.
Pinasalamatan ni 603rd Brigade Commander, Brigadier General Michael Santos, ang mga mamamayan sa kanilang pakikiisa at maagap na pagbibigay-impormasyon.
Sinabi ng heneral, ang mga nakuhang pampasabog ay gawa ng mga dating kasapi ng nabuwag na Communist Terrorist Group (CTG) na Guerilla Front 72, sa pamumuno ng kilalang teroristang si alyas Gawets.
Samantala, inihayag ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, na ang insidente ay sumasalamin sa tunay na lakas ng pagkakaisa ng bayan at kasundaluhan.



Comments