16 dating miyembro ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group at BIFF, sumuko sa militar bitbit ang 15 armas
- Teddy Borja
- Nov 13
- 1 min read
iMINDSPH

Tuluyan nang tinalikuran ng labing-anim na dating miyembro ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group at BIFF ang armadong pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan, araw ng Miyerkules, Nobyembre 12.
Sumuko ang mga ito sa pamunuan ng 6th Infantry Battalion sa Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni Lt. Col. Al Victor Burkley.
Iprinisinta kay 601st Brigade Commander Brig. Gen. Edgar Catu.
Kabilang sa mga isinukong armas ang isang M16A1 Rifle, dalawang 60mm Mortar, isang Sniper Rifle, apat na RPG, isang M79 GL, isang Caliber .38 Pistol, isang FAL Rifle, dalawang M653 A1, isang Caliber .50, at isang Caliber .30 Sniper Rifle.
Ang seremonya ng pagsuko ay sinaksihan ni Mayor Victor Samama, kasama ang mga kinatawan mula sa mga bayan ng Mamasapano, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Hoffer, at Nabalawag, SGA, BARMM.
Personal nilang ipinaabot ang agarang tulong pinansyal at bigas sa mga nagbalik-loob bilang bahagi ng suporta ng mga Local Government Units (LGUs) sa mga programang pang-reintegrasyon ng pamahalaan.



Comments