iMINDSPH

Ikinasa ng Bureau of Labor Relations and Standards o BLRS ng MOLE BARMM ang serye ng inspeksyon sa pribadong mga establisyemento sa probinsya ng Tawi-Tawi.

Ito ay mula February 17 hanggang 21, 2025.

Ito ay kaugnay sa General Labor Standards and Occupational Safety and Health Standards.

Labing anim na establisyemento ang ininspeksyon.

Layunin ng hakbang na ito ang pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng mga manggagawa, lugar ng trabaho at employers sa komunidad.

Comments