16-years old na lalaki, tiklo sa random checkpoint operation ng otoridad sa Cotabato City matapos mahulihan ng 0.08 gramo ng suspected shabu
- Teddy Borja
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang isang 16-years old na residente ng Awang, Datu Odin Sinsuat sa random checkpoint operation ng otoridad sa Rosary Heights 10, Cotabato City.
Dinala na sa City Social Welfare and Development o CSWD ang suspek na isang menor de edad.
Ikinasa ng otoridad ang operasyon alas 8:10 ng gabi, araw ng Sabado, April 19.
Dinala naman sa RFU-BARMM ang nakuhang suspected shabu para sa Laboratory Exam at proper custody.
Isasampa sa suspek ang kasong paglabag sa RA 9165.
Kommentare