49-anyos na magsasaka, patay matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Edcor, Buldon, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Edcor, Buldon, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Joe Mondido, residente ng Upper Dinganen ng nasabing bayan.
Binaril si Mondido habang sakay ng traktor, alas 4:55 ng hapon, araw ng Huwebes, April 17.
Hindi pa tukoy ng otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.
Comments