top of page

17 armas, isinuko ng mga residente ng Carmen, Matalam, at Pikit, Cotabato, gayundin ng mga residente ng Tugunan at Kapalawan, SGA

iMINDSPH



Labimpitong armas ang isinuko sa militar ng mga residente ng Carmen, Matalam, Pikit, Cotabato, Tugunan, at Kapalawan, SGA.



Bahagi ito ng pinalalakas na Small Arms and Light Weapons Program ng gobyerno.



Ang mga armas na isinuko ay kinabibilangan ng


1 - Rifle, 5.56mm ULTIMAX

2 - Rifle, 5.56mm M16

4 - Rifle, 7.62mm, M14

3 - Rifle, Cal.30 M1 Garand

1 - Rifle, Carbine

3 - RLL, RPG

1 - UZI, 9mm

At 2 - Pistol, Cal.45, M1911



Ayon sa 6th ID, ito ay sa pakikipagtulungan ng mga Local Chief Executive sa mga nabanggit na bayan.



Isinagawa ang turnover ceremony ngayong umaga sa Headquarters ng 40IB, Pikit, North Cotabato na sinaksihan ni Omar Bayao, ang representante ng MILF CCCH at Sittie Sahara Kasan ng OPAPRU.



Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page