18-anyos na lalaki sa Datu Odin Sinsuat, arestado sa kasong pagnanakaw
- Teddy Borja
- May 19
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa PHP 46,000 ang halaga ng mga gamit na ninakaw ng suspek na si alyas “Entot” sa Sitio Pasig 2, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Kabilang sa mga gamit na ninakaw ng suspek ay appliances na nagkakahalaga ng PHP 30,000, isang alkansya na tinatayang nasa PHP 10,000 ang laman, at isang bisikleta na nagkakahalaga ng PHP 6,000.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek habang hinihintay ang pagsasampa ng pormal na kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code.
Коментарі