18-Day Campaign to End Violence Against Women, hindi lang isang awareness drive kundi whole-of-nation approach ang pagsusulong ayon sa MSSD
- Diane Hora
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Video: https://www.facebook.com/share/v/19f15kvBtj/ Ayon sa opisyal na pahayag ni Atty. Raissa Jajurie, Minister ng MSSD, hindi lamang awareness drive ang kampanya kundi isang whole-of-nation approach na naglalayong wakasan ang gender-based violence at tiyakin ang hustisya para sa lahat.
Binigyang-diin niya ang kritikal na papel ng iba't ibang sektor: ang mga lider ng komunidad para maipatupad ang proteksyon kahit sa pinakamalayong barangay, ang kalalakihan bilang kaalyado sa pagtatayo ng pamilyang walang karahasan, ang kabataan bilang changemakers at boses ng kinabukasan, at ang mga bystanders na hinihikayat na kumilos at huwag manatiling tahimik laban sa mga perpetrators.
Ayon sa MSSD, ang kampanya ay governance issue din—dapat naka-ugnay sa social, economic, at governance agenda upang matugunan ang mga ugat at sistemikong dahilan ng karahasan.
Sa loob ng 18 araw na kampanya, tiniyak ng MSSD na mananatili silang katuwang ng komunidad sa pagpapalakas ng proteksyon at hustisya, at sa pagsusulong ng isang VAW-free na Bangsamoro.



Comments