top of page

₱19.4M na halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad matapos lusubin ang isang warehouse sa Palimbang, Sultan Kudarat

  • Teddy Borja
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Mahigit ₱19.4 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng Police Regional Office 12 matapos ang isinagawang operasyon sa isang warehouse sa bayan ng Palimbang.

Nagresulta sa pagkakasamsam ng ₱19,448,550.00 na halaga ng smuggled cigarettes ang intelligence-driven operation ng PRO 12 sa Barangay Wal, Palimbang, Sultan Kudarat.


Ikinasa ang operasyon, araw ng Linggo, November 30.


Isinilid ang mga kontrabando sa 495 na kahon.


Ang warehouse ay iniulat na pagmamay-ari ng isang alyas “Lupin”.


Wala sa lugar ang may-ari ng warehouse nang isagawa ang operasyon.


Itinurn-over na sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang puslit na sigarilyo para sa wastong disposisyon.


Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Palimbang MPS, 2nd SKPMFC, at Bravo Company ng 37th Infantry Battalion, Philippine Army, katuwang ang Bureau of Customs–Sub-Port of General Santos City.


Pinuri ni PBGEN Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mga operating units at binigyang-diin ang patuloy na laban ng PRO 12 kontra smuggling at economic sabotage.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page