₱19.8M puslit na sigarilyo at shabu, nasamsam sa Lebak, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Dec 5
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang tinatayang ₱19.8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo at ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang operasyon sa Barangay Kinudalan, Lebak.
Sa tatlong search warrant na isinagawa laban sa isang residenteng kinilala sa alyas na “Chong,” nakumpiska ang apat (4) na sachet ng pinaghihinalaang shabu, tinatayang 2 gramo at nagkakahalaga ng ₱13,600.
Kasabay nito, natagpuan ang mga kahon ng puslit na sigarilyo.
Naipasa ang lahat ng nakumpiskang kagamitan sa Lebak MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Itinuturing ang ilegal na pag-aangkat at distribusyon nito bilang paglabag sa customs at taxation laws at banta sa lokal na ekonomiya.



Comments