top of page

198 mula sa 221 barangays sa Maguindanao del Norte ang apektado ng iligal na droga ayon sa PDEA; 159 ang drug cleared, 39 barangays ang nananatiling drug affected

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Iprinisinta ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang datos sa usapin ng drug affected at drug cleared sa Maguindanao del Norte sa ginanap na Provincial Peace and Order Council meeting ngayong araw.


Ayon sa PDEA, 198 mula sa 221 barangays ng probinsiya ang naapektado ng illegal drugs. Sa bilang, 159 barangays dito ang drug cleared na at 39 pa ang nanatiling drug affected.

Dalawampung barangay ang certified drug free at tatlo ang nananatiling uncertified unaffected.


Sa mga bayan, labing apat na barangay ang dineklarang drug cleared ng PDEA BARMM, labing lima sa Buldon, labing tatlo sa Datu Blah, labing apat sa Datu Odin, pito sa Matanog, 17 sa Mother Kabuntalan, siyam sa Northern Kabuntalan, 17 sa bayan ng Parang, 22 sa Sultan Kudarat, 9 sa Sultan Mastura, 2 sa Talitay, at dalawampu sa bayan ng Upi.


Sa bilang na ito, tatlo ang drug free sa Datu Odin Sinsuat, lima sa Parang, siyam sa Sultan Kudarat, at tatlo sa Upi.


Sa barangay na nananatiling drug affected, labing apat ang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, isa sa Matanog, dalawa sa Northern Kabuntalan, tatlo sa Parang, walo sa Sultan Kudarat, apat sa Sultan Mastura, at pito sa Talitay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page