top of page

1st Provincial People's Council Assembly, pinatatag ang partisipasyon ng CSOs sa inclusive governance

  • Diane Hora
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Idinaos sa Koronadal City ang kauna-unahang South Cotabato Provincial People’s Council General Assembly, na layong palakasin ang partisipasyon ng civil society organizations para sa mas bukas at inklusibong pamamahala sa lalawigan.


Tampok sa unang General Assembly ng South Cotabato Provincial People’s Council ang mga naitalang tagumpay ng Provincial Community Development Office at ng People’s Council mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.


Malinaw umano na lumalakas ang ugnayan at sama-samang pagkilos ng mga CSO bilang katuwang ng pamahalaan sa paghubog ng polisiya at programang nakabatay sa pangangailangan ng komunidad.


Kabilang sa pinakamahalagang bahagi ng pagpupulong ang presentasyon ng SCPPC–CSO Development Agenda 2025–2028, kung saan binigyang-diin ni SCPPC Vice President Atty. RJ Sustiguer ang mga Capacity Development Imperatives na magsisilbing gabay sa paglago ng CSOs sa mga susunod na taon.


Ani Sustiguer, ang mga best practices ng CSOs sa South Cotabato ay nagsisilbing modelo para sa ibang LGU na nais magpatupad ng open at participatory governance.


Sa mensaheng ibinigay ni Vice Governor Arthur Pinggoy, Jr., bilang kinatawan ni Governor Reynaldo Tamayo, Jr., tiniyak niya ang patuloy na budget at suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga programa ng PCDO at ng People’s Council.


Dagdag pa niya, mahalaga ang presensya at partisipasyon ng CSOs dahil hindi kayang mag-isa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa para sa komunidad.


Nagtapos ang pagtitipon sa muling pagtitiyak ng South Cotabato sa pagsusulong ng transparent governance, mas matibay na civil society engagement, at collaborative programs na magpapalago at magpapaunlad sa buong lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page