top of page

₱2.03M suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Marawi City, Lanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Aug 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang dalawang suspek at mahigit ₱2.03 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation


Ikinasa ang operasyon alas-3:00 ng hapon, araw ng Biyernes, August 8 sa Barangay Matampay, Marawi City.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong knot-tied transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.


Tumitimbang ito ng mahigit kumulang 299.4 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,035,920.00.


Agad dinala sa Marawi City Police Station ang mga suspek at ang nakuhang ebidensya para sa documentation at paghahain ng mga kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page