2,505 na mga bagong botante ang nakapagpatala sa COMELEC Cotabato City sa 10 araw na voter registration habang 10, 520 sa SGA
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa 2,505 na mga bagong botante ang nakapagpatala sa COMELEC Cotabato City sa 10 araw na voter registration habang nagtala naman ng 10, 520 sa SGA.
Nagtapos na ang sampung araw na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Disyembre 1, 2025.
Ayon kay Election Officer Atty. Mohammad Nabil Mutia, dinagsa ang tanggapan ng COMELEC sa Cotabato City sa huling araw ng pagpaparehistro, karamihan ay mga kabataan at first-time registrants.
Batay sa datos ng COMELEC-Cotabato City, mula Agosto 1 hanggang Agosto 10, umabot sa 2,505 ang kabuuang bilang ng mga aplikasyon para sa pagpaparehistro sa lungsod.
Samantala, sa walong munisipyo sa Special Geographic Area (SGA), umabot sa 10,520 ang kabuuang bilang ng mga nagpatala.
Paliwanag ni Atty. Mutia, dadaan pa sa Election Registration Board Hearing at sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS) ang lahat ng aplikasyon upang matukoy at maalis ang mga double at multiple registrants.



Comments