2.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9
- Teddy Borja
- Aug 19
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 ang 2.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa Zamboanga City.
Patuloy ang maigting na kampanya ng Police Regional Office 9 (PRO 9) laban sa smuggling at economic sabotage, matapos nitong masabat ang 50 master cases ng hindi dokumentadong imported na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,865,000.00 sa isinagawang operasyon sa pampublikong pamilihan ng Zamboanga City.
Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga City Field Unit ang operasyon dakong 3:15 ng hapon, araw ng Sabado, August 16 sa Poblacion, Zone IV katuwang ang Bureau of Customs (BOC) Region 9 at ang Zamboanga City Police Station 11.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay agad na isinailalim sa kustodiya ng BOC Zamboanga City para sa tamang dokumentasyon at disposisyon, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon sa adwana.
Ayon kay PBGEN Eleazar P. Matta, Acting Regional Director ng PRO 9, mananatili ang kanilang paninindigan na paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling upang mapanatili ang patas na kalakalan at masiguro ang pambansang seguridad.
Binibigyang-diin ng PNP PRO 9 na ang tagumpay na ito ang patuloy na layunin ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang batas nang may integridad, suportahan ang legal na kalakalan, at bigyang proteksyon ang publiko mula sa masasamang epekto ng iligal na kalakalan.



Comments