top of page

2 BPAT members na residente ng Tugunan, SGA at Silik, Pikit, Cotabato, arestado sa Anti-Carnapping Checkpoint Operation sa Midsayap, Cotabato dahil sa paglabag sa COMELEC Gun Ban

  • Teddy Borja
  • Apr 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Narekober mula sa posesyon ng 46 anyos na BPAT member mula sa Tugunan, SGA na kinilala sa si alyas “Tats” ang isang Caliber 40 Glock 22Gen4 USA dalawang piraso ng plastic magazine; 37 piraso ng bala ng Caliber 40 at isang Sling Bag color black.


Habang narekober naman sa 40 years old na BPAT member mula sa Silik Pikit, Cotabato na kinilala sa alyas “Sam” ang isang Caliber 45 Series’80 Colt MK IV isang steel magazine; at sampung bala ng Caliber 45


Sa report ng Midsayap Municipal Police-


Alas 9:00 ng gabi, araw ng Lunes, April 7 nang maaresto ang mga suspek sa isinagawang joint Anti-Carnapping Checkpoint Operation ng otoridad sa Barangay Sadaan ng bayan.


Ito’y matapos maispatan sa loob ng isang SUV at isang pick up ang baril ng dalawa sa isinagawang inspeksyon ng otoridad.


Dinala sa Aleosan District Hospital, Barangay Dualing, Aleosan, Cotabato ang mga naaresto para sa physical at medical examination bago ito kinustodiya ng Midsayap Municipal Police para sa proper documentation at disposition.


Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at COMELEC Gun Ban.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page