Negosyante sa Cotabato City, arestado dahil sa pagbebenta ng fake government identification card
- Teddy Borja
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang negosyante sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng mga pekeng government ID.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Nan”, 28 taong gulang, residente ng Rosary Heights VII, Cotabato City.
Ikinasa ng awtoridad ang operasyon alas 4:00 ng hapon, araw ng Lunes, June 9 sa Governor Gutierrez Ave., Cotabato City.
Narekober mula sa suspek ang isang piraso ng one hundred peso bill, isang pirasong Driver's License at isang national ID.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Police station 2 ang naarestong indibidwal para sa wastong disposisyon, at dokumentasyon habang nakabinbin ang Inquest Proceedings.
Comments