top of page

2 construction workers sa Cotabato City, kalaboso sa buy-bust operation ng otoridad!

iMINDSPH

Kulong ang dalawang construction worker, edad 48 at 52 years old matapos positibong mabilhan ng otoridad ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.3 grams at nagkakahalaga ng 1,500 pesos.


Sa isinagawa pang search sa mga suspek narekober ng otoridad ang isang improvised glass tube tooter at Buy bust money.


Isinagawa ang operasyon sa Purok 7, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City, alas 12:30 ng tanghali, araw ng Lunes, March 16.


Nakapiit na ang mga suspek habang ang mga nasamsam na ebidensiya ay ipapadala naman sa RFU BAR para sa Qualitative at Quantitative Examination at proper custody.


Haharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page