iMINDSPH

Nahuli ang suspek alas 9:54 ng gabi, March 16, 2025 sa Purok Pagkakaisa, Barangay Poblacion 2, Cotabato City.

Sa report ng otoridad, nagroronda umano ang mga opisyal ng Barangay Poblacion 2 nang makita ang suspek at makuha sa posesyon at kontrol nito ang isang suspected illegal drugs na pininiwalaang shabu.
Nang makarating ang otoridad sa lugar, dinala na sa barangay hall ng Poblacion 2 ang suspek at nakaposas na ito.
Nakumpiska mula dito ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 0.05 gramo na may standard price na 3,896.44 pesos.
Dinala sa police station 2 ang nahuling suspek para sa proper documentation at disposition habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165.
Comments