top of page

Negosyante sa General Santos City, arestado matapos ang ipinatupad na search warrant ng otoridad kung saan nakumpiska ang pinaniniwalaang iligal na droga at mga baril

iMINDSPH



Kinilala ang negosyante sa alyas na “Michael J”.


Ikinasa ang operasyon sa Purok Buan, Barangay Sinawal, General Santos City, araw ng Lunes, March 16.


Sa isinagawang search, nakumpiska ng otoridad ang tinatayang 12 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 81,648.


Narekober din ng otoridad ang isang 45 pistol, magazine, mga bala at iba’t ibang drug paraphernalia.


Sa follow up operasyon sa Agan North, Barangay San Isidro, General Santos City, sa ilalim parin ng parehong Search Warrant-


Narekober naman ng otoridad ang isang empty shell caliber .45 firearm at drug paraphernalia.


Agad dinala sa police Station 2 ng General Santos City PNP ang mga nasamsam na ebidensiya at naarestong indibidwal para sa documentation at disposition.


Haharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 2, City Intelligence Unit, City Mobile Force Company - Special Weapons and Tactics, at Regional Intelligence Division 12.

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page