iMINDSPH

Isang aktibong pulis na nakadestino sa Police Regional Office 13 at isa pang indibidwal, arestado sa ikinasang operasyon ng mga elemento ng Police Regional Office 11 sa Montevista, Davao De Oro.
Isinagawa ang operasyon, a-18 ng Pebrero sa Purok 6, Bankerohan Sur matapos makatanggap ng report ang otoridad hinggil sa dalawang indibidwal na may bitbit na baril sa lugar.
Nang sitahin ng otoridad, walang maipakitang dokumento ang mga ito ayon sa report.
Napag alaman din ng Montevista Municipal Police na ang naarestong pulis ay isang aktibong miyembro ng PNP at nakadestino sa PRO 13 at isa umanong High Value Individual.
Katuwang ng Montevista Municipal Police Station sa operasyon ang Provincial Drug Enforcement Unit—Davao de Oro, kasama ang 25th Infantry Battalion (IB) Philippine Army (PA).
Nakuha ng otoridad sa operasyon ang limang plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PhP 13,600.00, at drug paraphernalia.
Nakumpiska rin ang dalawang cal. .45, magazine, bala, granada, Remington M16 rifle, isang cal. 38 revolver, apat na smart phones, at dalawang kotse.
Nasa kustodiya na ng Montevista Municipal Police Station, Davao de Oro Police Provincial Office (DDOPPO) ang mga naaresto para sa proper disposition at paghahain ng kaukulang kaso.
Comentarios