top of page

GSIS tinalakay ang usapin ng Multi-Purpose Loan Buyout (MPL Max) Program sa pagbisita ng mga opisyal sa tanggapan ng MOLE

iMINDSPH



Bumisita ang mga opisyal ng Government Service Insurance System GSIS Cotabato Branch sa Ministry of Labor and Employment, araw ng Lunes, a-24 ng Marso.



Sa pulong, tinalakay ng dalawang tanggapan ang Multi-Purpose Loan Buyout (MPL Max) Program, na isang financial initiative na dinisensyo para maibsan ang bigat sa loan repayments para sa mga GSIS members.



Iprenesinta ng mga opisyal ng GSIS sa MOLE ang benefits at features ng MPL Max program, na naglalayong matulungan ang mga miyembro sa pinansiyal na hamon dahil sa nagkapatong-patong na high-interest loans at unfavorable lending terms mula sa private sources.



Pinag-aralan ding muli ng dalawang ahensiya ang konteksto ng proposed Memorandum of Agreement (MOA) para ma-avail ang programa ng lahat ng qualified MOLE employees.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page