iMINDSPH

Nauwi sa putukan ang pagsisilbi ng otoridad ng warrants of arrest laban sa isang DILG national Most Wanted Person sa Mati, Davao Oriental.

Ito ang ibinahaging impormasyon ng PNP PRO 11.

Isinagawa ang operasyon Mati City, Davao Oriental, a-27 ng Marso kung saan target ng operasyon ang isang alyas “ Abay” na mayroong 16 pending warrants of arrest.
Ayon sa otoridad, tinukoy ang si alyas “Abay” na lider ng Repolyo Criminal Gang at kilalang Madanlo Criminal Group.
Ayon sa report ng PNP, nanlaban umano ang suspek at nagpaputok ng baril kaya gumanti umano ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa dibdib.
Agad itong dinala sa Davao Oriental Provincial Hospital pero binawian rin ito ng buhay.
Narekober sa crime scene ang .45 Colt's Government Model pistol, fired shells, steel magazines, live ammunition,motorsiklo, at personal belongings ng suspek.
Yorumlar